Mahirap para sa isang katulad ko ang mag-commute. Kung hindi lang sa tatlong beses na akong naaksidente sa pagmamaneho ng kotse at apat na beses naman sa pagdadala ng motorsiklo ay hindi ako mag-cocommute. Karamihan sa mga mapanghusgang tao ay makakatabi mo araw-araw sa iyong paglalakbay sa bus, jeep, mrt, lrt, helicopter, submarine, and a partridge in a pear tree. Nagpatindi pa sa dilemma ko sa pagcocommute ay ang mukha ko. Mukha akong kriminal. Nagtext poll nga ako sa lahat ng mga contacts ko na nasa cellphone ko at nagtanong kung mukhang ano ba ako? Nakakabadtrip na nakakaasar,na nakakatuwa, at nakakatawa ang mga sagot nila. Nariyan yung sabihing mukha daw akong scalper sa Araneta, tomboy na konduktor ng bus, snatcher sa Recto, mandurukot, pusher, source ng shabu, nerd, gagong nangungursunada sa kanto, lasenggo, tambay na walang pangarap, atsay killer, lider ng gang na nagpepeke ng bente singko sentimos, manyakis, presidente ng toda, pawising panadero, takas ng mental, 24/7 na construction boy, walang ligong ahente ng encyclopedia, barberong bading, eccentric na lunatic, taong grasang nagjajacuzzi sa imburnal, chimpanzeeng nambabato ng tae sa manila zoo, rapist, durugista, and a partridge in a pear tree. Mabalik tayo sa paglalakbay ko. Nakakabwisit ang husgahan ka ng isang taong wala namang karapatang husgahan ka. Husga nang husga, aficionado naman ang pabango. Peke, puro peke! Madalas sa mga judgmental people na ito ay peke. Peke ang damit. Peke ang pabango. Peke ang sapatos. Peke ang jewelries. Peke ang cap. Peke ang bag. Peke ang underwear! Malamang sa malamang, may laman rin ang mga wallet nila ng pekeng pera!!!! Ibang klase. Tapos manghuhusga! Anong kalalabasan ng panghuhusga ng isang pekeng taong mahilig gumamit ng peke? E di peke pa rin! Mas mainam nang tumahimik ka na lang and keep your judgements to yourself rather than to blurt out at libakin ang pagkatao ng mga taong pinagmamasdan mo. Turo ka nang turo sa isang tao e puno naman ng bacteria yung dulo ng daliri mong nanggaling sa loob ng butas ng ilong mong kinalikot mo kanina. Imbes talagang magandang experience ang paglalakbay sa akin, nabubwisit lang ako lalo. Huhusgahan ka ng isang taong puno ng foundation sa mukha, isang lalaking puno ng foundation sa mukha, hindi naman bakla. Macho Banidoso. Meron pang isang judgemental diyan, usually call center agent. Oo, original ang gamit niya. Lahat. Pero peke pa rin siya. Sa loob ng budhi niya, peke siya. Nakangiti pero minumura ka sa isip niya na parang nagsasabing, "tangina kasing katabi kong ito e! Sana makakatulog ako nang maayos, ngayon hindi ako makatulog at baka nakawan ako o hipuan ako nito habang tulog ako e!!" Kung naririnig mo lang yung nasa isip niya, malamang nabingi ka na, na para bang nasa front row ka sa isang concert ng Slayer. Basta ako...... matutulog na lang ako sa biyahe. Pakyu na lang kayong lahat!!!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento